Angeline Quinto admitted that she wants DNA Test sa babaeng nagsasabing siya daw ang tunay na ina ni Angeline.
“Mas mabuti po kasi kung magpapa-DNA test po siya, gusto ko din naman ‘yon,” ani Angeline. “Ayoko din pong palampasin ang pagkakataong ito na antagal ko pong hinahanap ang tunay kong nanay.”
If siya daw ang tunay na ina ni Angeline Quinto, hindi raw niya iibahin ang pagmamahal niya kay Mama Bob na.
“’Yung pamilya po na nagpalaki sa akin, wala naman pong magbabago do’n, tsaka ‘di ko naman po hahayaan na masaktan si Mama Bob kasi ‘di naman niya alam lahat ito.” Inaalala rin kasi ni Angeline ang kalusugan ng kanyang kinikilalang ina dahil may problema raw ito sa puso. “Pero alam ko naman na maiintindihan ito ng tatay ko, ng lola ko, at mama ko kasi alam naman po nila na bata pa lang ako ‘yun na ang gusto kong malaman. Kung nasaan po ‘yung tunay kong nanay. Basta makilala ko lang ang tunay kong nanay ‘di ba? Kasi ‘yun naman po talaga ang kailangan ko, ‘yun lang po ang lagi kong dinadasal po. Bukod po sa mabuo ang pamilya ko, makilala ko lang po ang totoo kong nanay,” ani Angeline.
0 comments for "Angeline Quinto wants a DNA Test sa babaeng nagsasabing tunay niyang Ina?"