Okay lang ba ng Mother ni Kathryn Bernardo na maging ka love team sila hanggan sa dulo ng kanilang showbiz career?
“Oo naman it’s okay. Di ba kasi lagi namang may love team sa showbiz? Siguro ang ibig mong sabihin yung kung pumapayag ako na nililigawan siya? Kasi ever since naman maylove team naman talaga. Sa akin kasisometimes hindi ko alam kung sa showbiz nasasabihan ako na stage mother, sometimes sasabihin nila na kunsintidor. Minsan sabi nila sobrang higpit ko, ang hindi ko nga alam kung saan ko ilalagay sarili ko dito eh. Sabi ko nga ang hirap dahil yung tatlong kapatid niya alam ko kung papaano ko iti-treat kasi normal lang sila. Ito abnormal eh (laughs). Kasi artista siya so hindi mo alam kung dapat kang mahigpit or dapat kang ganyan. Napagdaanan ko kasi mahigpit yung nanay ko so para bang maraming na-deprive, yung na-experience ng mga classmates ko noon. Ngayon nga nag-re-reunion sila, nag-kuwe-kuwentuhan sila ng mga crushes nila, mga puppy love nila noon. Ako wala akong makuwento kasi mahigpit nanay ko kaya hindi ko naranasan. Sila okay, as long as nandiyan ako. Iga-guide ko na lang,” she shared with Push.com.ph.
0 comments for "Kathryn Bernardo's Mom approves Daniel Padilla?"